Bamboo Rewards FAQS
Hey, Pandas!
Welcome to the all-new Bamboo Rewards program. Narito ang mga pangunahing pagbabago na ginawa para bigyan ka ng mas magandang karanasan bilang rider:
✔️ Para maging patas, maaaring i-claim ang premyo batay sa number of points na naipon mo: Ang mga riders na makapaghatid ng mas maraming delivery ay maaaring makakuha ng mas maraming premyo.
✔️ Pwede na mag-ipon ng puntos nang ilang buwan para makuha yung mataas na premyo: madadagdagan rin ng mga prizes, staycation vouchers at iba pa!
Tiers | |
Prizes | |
FAQS |
Paano ito gumagana:
Mayroong dalawang bagay na dapat tandaan:
Prizes:
Tiers:
Gaya ng nabanggit sa itaas, tutukuyin ng inyong tier ang mga premyo na pwede mong makuha sa pamamagitan ng Rider Shop. Kung mas mataas ang iyong tier, mas maganda ang mga premyo! Ang iyong tier ay nakabatay sa puntos na naipon bawat quarter at magiging wasto sa loob ng tatlong buwan.
Paano mag-login:
Paano mag-redeem:
Step 1: Makakatanggap ng 2 puntos para sa bawat delivery.
Step 2: Bilangin ang nakumpletong deliveries upang matukoy kung gaano karaming mga puntos ang mayroon ka. Upang matukoy ang iyong tier, tignan ang mga puntos na naipon mo para sa huling quarter.
Step 3: Log into Rider Shop para i-claim ang iyong premyo. Ang premyo na makikita mo ay ibabatay sa iyong tier.
Step 4: Magbayad ng minimal na delivery fee at magkaroon ng mga premyo na ihahatid diretso sa inyong pintuan!
Frequently Asked Questions
Ano ang pinagka-iba ng Points at Tier?
- Tinutukoy ng mga puntos kung gaano karaming premyo ang maaari mong i-claim at ang halaga nito. Makakatanggap ka ng 2 puntos sa bawat delivery na iyong magawa. Maa-update ang iyong mga puntos sa Panda Shop pagkatapos ng bawat buwan.
- Ang iyong tier ang magpapasiya kung anong uri ng mga premyo ang pwede mong i-claim. Ang ilang mga premyo tulad ng cash ay magagamit para sa mga piling tier. Kung mas mataas ang iyong tier, mas maganda ang mga premyo na maaari mong i-claim!
Mayroon bang tiyak na panahon para ma-claim ko ang aking mga premyo?
- Mga puntos na iyong naipon mula Enero hanggang Disyembre 2023 ay valid hanggang Disyembre 31, 2023.
Magbabago ba ang aking Tier tuwing magclaim ako ng mga premyo?
- Hindi. Ang iyong tier ay valid ng isang taon at hindi magbabago kapag nag-claim ka ng mga premyo. Gayunpaman, sa bawat oras na mag-claim ng mga premyo, ang iyong mga puntos mababawasan ang iyong puntos.
Paano ko matatanggap ang aking mga premyo?
- Ang lahat ng mga premyo ay ihahatid sa iyong bahay maliban sa cash prizes at foodpanda (foodpanda & pandamart) vouchers. Kailanganin mong magbayad ng mababang delivery fee sa iyong na-check out.
- Cash Prizes and foodpanda vouchers: Ita-tabulate ang lahat ng iyong na-claim isang beses sa isang buwan. Matanggap ang iyong premyong pera sa iyong rider wallet sa katapusan ng buwan, pati na rin ang iyong foodpanda voucher codes na matatanggap sa pamamagitan ng email.
Magbabago ba ang mga premyo?
- First come first served ang batayan sa pag-claim ng premyo. Ipapaalam namin sa iyo sa bawat oras na magdadagdag kami ng mga bagong premyo o idadagdag ka sa waiting list para sa mga out of stock na items. Ang mga premyo ay sumasailalim sa availability ng stocks.
Valid pa rin ba ang puntos ko kahit mag break ako sa pagdedeliver?
- Oo. Ang iyong puntos ay valid hanggang anim na buwan kahit mag break ka sa pagdedeliver. Hindi ka makakatanggap ng higit pang mga puntos kung hihinto ka sa pagdedeliver.
Maililipat ba ang aking mga puntos? Maaari ko bang pagsamahin ang mga puntos sa isang kaibigan?
- Hindi. Ang iyong mga puntos ay hindi maililipat. Hindi mo maaaring pagsamahin ang iyong mga puntos sa ibang rider. Ang iyong mga puntos ay iuugnay lamang sa iyong Rider Shop account.
Mayroon bang buod ng schedule ang pag-expire ng mga puntos?
- Oo. Tignan ito sa ibaba.Ang iyong mga puntos ay mag-e-expire isang beses bawat taon at maaari mong gamitin ang mga ito anumang oras sa loob ng iyong cycle.